Hindi maiiwasan sa buhay ng isang tao ang pagdating ng napakatinding unos. Minsan kahit hagkan ka ni haring araw sa kanyang pagbabalik ay tila may kaakibat itong kamalasan. Oo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Minalas ako kahapon! Masaya ka na?
Simula pa lang nang binuksan ko ang aking mga mata ay hindi ko na maipinta ang hitsura ko (Alam ko. Pangungunahan na kita. Lagi akong ganun). “Man! I woke up at the wrong side of the bed!” ang tanging nasambit ko. At nagsimula na ang isa sa pinakamahabang araw ng buhay ko. Pang - 24 ika nga.
Nagsimula ang di kaaya-ayang pangyayari nung binuksan ko ang aking kompyuter. Habang tinitipa ko ang tiklado nito ay bigla ko na lang naalala na sira pala ang printer ko! “Anak ng….! Deadline na nito! I’m dead…” Alas-otso na ng umaga. Tapos na ang Breakfast (yung programa). Tapos na ang gingawa ko. Tapos na ang kalbaryo ko. Yun ang akala ko.
Fast forward. >>
8:45 – Ginalugad ko ang aming barangay para makahanap ng isang bukas na internet cafĂ©.
9:01 – Eureka! May nakita ako! “Boss, pa-print!”
9:10 - Napamura ako sa printing (hindi yung naka-discount.) P130 po para sa labin-tatlong pahina. Ngayon ko tuloy napagisip-isip na malas nga ang TRESE.. Sampung piso bawat pahina. Black and white. Ang Tindi! Luffeeeet!!! Hanggang ngayon ay napapamura pa rin ako.
10:08 – May bumati sa akin: “Mahangin ba sa labas?” Ngumiti ako. Biglaang dumugo ang ilong nung nagsabi.
10:30 – Nakipagkita sa group mates. Nag-meeting. Nagkasundo sa isang idolohiya.
10:45 – Kumain sa McDonald’s™, Isang breakfast meal: 1 Egg McMuffin™, 1 reg. Coke™, 1 Large Fries. At tumataginting na P75.00!
10:47 – Eto na yun! Bumuhos ang ulan! Napalakas na ulan! Nakipagdaldalan na lang ako.
11:05 – Tumila ang ulan. Pumasok sa UST Hospital. Diretso sa Medicine Bldg. Pumunta ng Guidance Office pero sarado. Naghanap ng matatambayan. Ikot. Ikot. Ikot. Nagkita ng mga “former” batch mates at kaibigan. Ngumiti ako. Nagyayang kumain ang mga kaibigan sa KFC. NA NAMAN!
11:11 – Uy nagwish! Hehehe… Nagorder ang mga kaibigan. Hindi ako. Kumain sila. Hindi ako. Nasarapan sila sa manok. Hindi ako. Nagpa-refill ng gravy. Hindi ako. Regular students sila. Hindi ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
11:35 – Umulan na naman.
12:06 – Humina ang ulan at nagpasyang sumama sa dalawang kaibigan. Naglakad sa kahabaan ng Dapitan. Nakipagpatintero sa mga sasakayan at mga taong dumadaan.
12:09 – Dumating sa KODAK. Dumating na naman ang malakas na ulan. Labis akong nangamba at nabagabag sa mga mangyayari. Gugunawin na ba ang mundo?
February 24, 2004. 5:56 - Gutom na ako. To be continued muna…
Currently listening to: Kalapan's The Hurt
Currently feeling: weird